Isang napakalaking hamon para sa ating mga nanay ang magluto ng masarap at masustansyang pagkain ngayong panahon ng pandemic crisis dahil sa Covid 19.
Mula ng nag lock down sa Luzon, marami sa atin ang hirap sa paghanap at pagbili ng pagkain dahil sa enhanced quarantine. Pangunahing problema ay walang pambili, sarado o malayo ang pamilihan, kung makarating man sa palengke konti lang ang mabibili, at kung may nabili ka man panay delata at preserved foods lang ang meron. Paano na ang kalusugan ng ating pamilya? Lalo na sa ganitong panahon na mas kailangan ng ating katawan ang sustansya para may panlaban tayo sa virus.
Kaya naman ako ay nagdesisyon na maglaan ng section sa aking blog upang i share sa mga nanay ang aking PACHAM RECIPES (pachamba chamba😁) ito ang aking paraan ng pagluluto mula sa kung ano lang ang meron sa stock o kusina.
Simple lang ang rules: huwag matakot sumubok at mag substitute ng mga ingredients kung hindi available ang iba o kaya tulad ko na "pagsamahin lang kung ano makita sa ref". Ang importante ugaliing samahan ng gulay ang mga lutuin. Kung walang mabiling gulay, magtanim ng sarili mong gulay. Kahit nakatira ka sa apartment pwede kang magtanim sa mga paso o lata.
Sana ay makatulong ang mga recipes kong ito sa mga nanay sa pagluluto ng matipid pero masustansyang pagkain para sa ating mga pamilya ngayong may krisis. Be safe everyone!
"He gives food to every creature. His love endures forever." (Psalm 136:25)
Roasted chicken with potatoes and carrots + enseladang talbos ng kamote + talbos ng kamote samalamig. Roasted chicken: pwedeng i-roast ang chicken kung meron kang oven. Kung wala tulad ko, ilaga ang chicken, timplahan ng laurel, asin at pamintang buo. Pag luto na, hanguin at ilagay sa turbo o toaster. Hugasang mabuti ang patatas, huwag talupan. Hiwain at ilaga sa pinaglagaan ng manok hanggang half cooked. Ilagay sa turbo kasama ng manok. Maghiwa ng carrots at isama din sa turbo. Para sa pampalasa o basting sauce: paghaluin ang rosemarry + fresh oregano + asin + pamintang durog + mantika at ipahid sa manok, carrots at patatas. Lutuin sa turbo 15 minutes. Kung walang rosemarry at oregano, pwedeng dinikdik na bawang o lemon o tanglad ang gamitin, kung talagang wala ay pwede na rin ang toyo + kalamansi + sugar o kaya ay gumamit ng paborito mong ready mix dry rub. Para sa enseladang talbos ng kamote: Magpakulo ng tubig, i-blanch ang talbos ng kamote 3-5 minutes o hanggang half cook. Huwag itapon ang pinag-lagaang tubig. Gumamit ako ng violet na talbos ng kamote para sa recipe na ito. Salain at palamigin, lagyan ng hiniwang kamatis sa ibabaw. Para sa talbos kamote samalamig: Gamitin ang pinag-lagaang tubig ng talbos ng kamote, lagayn ng star anis habang mainit-init pa ito, pwede ring maglagay ng kalumata o pandan o vanilla kung nao ang meron. Haluan ng sugar o condensed milk at yelo. Serve!
Warm pudding: Marami bang natirang loaf bread o tasty sa ref? Gawing pudding ito bago pa masira. Hiwain ang loaf bread into small cubes. Ilagay sa container o baking dish (gumamit ng container na pwede sa steamer o oven). Gumawa ng custard sauce: maghalo ng gatas (pwedeng fresh milk o evap), condensed milk o sugar, itlog. Isalin ito sa bread cubes, kailangang ma-soak lahat ng tinapay sa cistard sauce. Pwedeng maglagay ng cinnamon powder at raisins o cheese sa ibabaw kung meron. Balutan ng cling wrap o aluminum foil. I-steam o bake 25-30 minutes. Serve!
"Noodles na naman?!": Gawing mas healthy ang instant noodles na kalimitang laman ng mga ayuda ngayong ECQ. Magpakulo ng tubig, i-blanch ang pechay, hanguin at itabi. Tapos sliced carrots, hanguin at itabi. Tapos ilaga ang instant noodles, timpahan, salain at itabi. Huwag itapon ang sabaw na pinaglagaan. Paano pag-assemble: ilagay sa bawat pusuelo ang noodles, carrots, pechay, hiniwang kinchay o wansuy o dahon subuyas, pwede ring maglagay ng nilagang itlog, pritong tokwa, fishball o kani (crab stick) gaya ng nasa larawan. Ihalo lang ang mainit na sabaw pag kakainin na.
Coffee pancake: Gumamit ako ng Mayas Kitchen ready pancake mix para sa recipe na ito at hinaluan ng 1-2 kutsarang instant coffee o ayon sa tapang ng lasa ng kape na gusto mo. Iluto ang pancake according to package instructions. Perfect itong lagyan ng syrup o sliced na mangga o banana.
Tuna clubhouse sandwich: Para sa palaman tuna spread paghaluin ang mayonnaise at century tuna, pritong scrambled eggs. Para sa pag-assemble ng sandwich: loaf bread o tasty + tuna spread + scrambled egg, loaf bread. Hiwain diagonally para makagawa ng triangle. Pag-patungin at tusukan ng pick o barbeque stick para hindi makalas ang sandwich.
Swam na tahong o tinola, ano ba talaga?: Tutal halos magkapareho naman ang ingredients ng swam na tahong at chicken tinola kaya why not pag-samahin sila? Bongga!
Tuna burger pang-tanggal ng hunger!: Ang kalimitang laman ng mga food package na ayuda ngayong ECQ ay bigas at de lata. Kaya nag try ako na gumawa ng burger patty gawa sa century tuna para maiba naman. Paghaluin ang hiniwang maliit na sibuyas, kinchay o celery, ginadgad na carrots, century tuna, 1 itlog, harina, asin at pamintang durog. I-masa at gawing pormang bola para maging patty. Palaparin at igulong sa bread crumbs (o harina) para hindi manikit. I prito. Ipalaman sa tinapay o pwedeng ulam na rin. Para sa pag-assemble ng burger: monay o burger bun, tuna patty, hiniwang camatis, hiniwang cucumber, lettuce o ginayat na repolyo o ginayat na pechay baguio, mayonnaise, ketchup, (mustard optional). Perfect combination sa pritong potato wedges o french fries.
Adobong bulaklak ng kalabasa: Mag-gisa ng sibuyas at bawang, ihalo ang tausi at canned sliced mushroom. Ihalo ang barbeque marinade bilang pampalasa at kaunting tubig, lagyan ng laurel at paminta, kaunting asin. Ihalo ang bulaklak ng kalabasa. Takpan at pakuluan hanggang malanta ang bulaklak ng kalabasa. Note: Kung walang bulaklak ng kalabasa, pwedeng mag-substitute ng sitaw o ampalaya.
Versatile fried rice: Kung may natirang kaning lamig, gawin itong sinangag pero sosyal. Kamasin ang kanin para magkahiwa-hiwalay. Mag-gisa ng dinikdik na bawang, ihalo ang mga pachamba-chambang ingredients na meron (refer to list), ihalo ang rice, timplahan at lutuin hanggang maluto ang rice. Note: Naghahalo ako ng ibang ingredients sa fried rice para 1: maparami ang fried rice, 2: maging healthy, at 3: para di nakakasawa imbes na regular fried rice. Eto ang list ng pachamba-chambang ingredients na usually inihahalo ko: binating itlog, turmeric powder, ginadgad na carrots, kinchay o wansuy o celery o dahon ng sibuyas, boiled itlog pugo, lutong fishball, fried tokwa, okra, sitaw, baguio beans, ham, hotdog, patatas, spinach o kulitis, repolyo, bellpepper, O ANO MANG GULAY na meron ka. Tandaang hiwain ng maliit ang mga ingredients bago ihalo sa fred rice. Gumagamit din ako ng patis kaysa asin para mas malasa. Sa nagtitipid na pamilya, pwede ng kainin ang fried rice na ito kahit walang ulam dahil malasa na ito gawa ng mga ingredients.
Malapit na bang masaid ang bigas sa iyong stock? Wala ng tatalo pa sa ever dependable, ever flexible at ever delicious na lugaw, got o arrozcaldo. Plus factor ang sangkap na luya, bawang at kalamansi para contra COVID. Nag-halo ako ng powder turmeric (o luyang dilaw) sa recipe na ito para mas maganda ang kulay at mas healthy.
Kalabasa sopas na paspas!: Ilaga ang pasta according sa package instruction. Salain at itabi, wag itapon ang tubig na panglagaan. Hiwain ang kalabasa into cubes, ilaga (o bake) gamit ang pinaglagaan ng pasta hanggang lumambot. I-blender ang kalabasa. Mag-gisa ng sibuyas at bawang, ihalo ang blended na kalabasa at lutong pasta. Dagdagan pa ng tubig ayon sa iyong gustong dami. Timplahan ng asin at pamintang durog. Pakuluin. Ihalo ang 1-2 binating itlog habang hinahalo ng mabuti ang sopas para hindi mabuo ang itlog. Lagyan ng pampalapot: tubig at corn starch. Haluing mabuti para hindi manikit sa ilalim hanggang kumulo. Serve!
Tortang bulaklak ng kalabasa: Linisin ang bulaklak ng kalabasa at tanggalin ang balahibo. Mag-gisa ng sibuyas at bawang, ihalo ang bulaklak ng kalabasa, takpan at lutuin ng 1 minute. Alisin ang takip at iluto pa ng 1-2 minutes para matuyo ang sabaw. Hinaan ang apoy at ihalo ang binating itlog, timplahan ng asin at pamintang durog. Takpan at lutuin sa mahinang apoy hanggang maluto ang itlog. Serve!
Hotdog na kabog!: Nagsasawa na ba ang mga bata sa paulit-ulit na pritong itlpg at hotdog sa breakfast? Try mo itong version na ito para maiba naman: Hiwain ang patatas ng pahaba (pwede ring gumamit ng french fries kung meron). I-prito hanggang maluto. Hinaan ang apoy, ilagay ang hotdog at itlog (wag batihin ang itlog), timplahan ng asin at pamintang durog, lagyan ng kaunting tubig para mag-create ng steam sa loob, takpan at lutuin sa mahinang apoy hanggang maluto ang itlog. Serve!
Pinagkasyang barbeque: Paano magka-kasya ang kaunting karne para gawing barbeque? Ibabad ang barbeque sticks sa tubig at least 30 minutes bago gamitin. Hiwain ng malapad at manipis ang karne ayon sa bilang ng mga kakain, ibabad ito sa barbeque marinade at least 30 minutes pero mas maganda kung overnight (o kaya sa pinaghalong toyo, kalamansi, sugar, laurel at pamintang durog). Pwedeng iihaw, i-turbo o kaya pan fried. Pan fried ang ginawa ko sa recipe na ito: Itusok sa barbeque stick ang hiniwang karne (pwedeng 1 slice lang kada tao dahil ito ay malapad at manipis mong hiniwa), itusok din ang okra, sibuyas at buong kamatis. Lutuin ito. Ang mga gulay ay magsisilbing "extender" ng barbeque upang magkasya sa pamilya. Pwede rin mag tusok ng ibang ingredients na meron gaya ng itlog pugo, fishball, canned whole mushroom, carrots, bell pepper, baguio beans o anong mang gulay na paborito mo.
Pinakbet katuray na mataray!: Panahon ng pamumulaklak ng katuray ngayon kaya naman nagluto ako ng ganitong version ng pinakbet. Mag-gisa ng sibuyas, bawang, camatis. Ilagay ang bagoong (kung allergic sa bagoong, pwedeng asin na lang). Lagyan ng kaunting tubig. Ilagay ang talong, okra, kalabasa at kamote. Pakuluan hanggang maluto ang gulay. Timplahan ng paminta at laurel o i-adjust ang alat. Ilagay ang siling haba at bulaklak ng katuray. Takpan at lutuin 2-3 minutes o hanggang malanta ang katuray. Serve! Note: Bago gamitin ang bulaklak ng katuray kailangang tanggalin ang gitnang bahagi ng bulaklak ito (stamen) dahil ito ay mapait.
Ginisang sitaw na wow!: Mag-gisa ng subiyas, bawang at camatis. Ihalo ang canned whole kernel corn at sitaw. (Pwede ring gumamit ng fresh corn) Pakuluan hanggang lumambot ang sitaw, timplahan ng asin o patis, paminta at laurel. Serve! Perfect combination ito sa pritong isda.
Garlic tuna pasta: Panay century tuna ang natira sa stocks kaya gumawa ako ng spaghetti version na ito. Lutuin ang pasta 10 minutes, salain at itabi. Mag-gisa ng dinikdik na bawang (mas maraming bawang mas masarap), ilagay ang hiniwang camatis, canned mushroom at canned tuna. Hinaan ang apoy at ihalo ang lutong pasta. Serve! Optional: pwedeng lagyan ng ginadgad na keso sa ibabaw.
Sinigang sa bayabas pacham: Pakuluan ang baboy hanggang lumambot. Ilagay ang luya, sibuyas, camatis, siling haba, tanglad, tinadtad na bayabas (bilang pampa-asim), asin o patis, pakuluan 5 minutes o hanggang maluto ang bayabas. Ilagay ang bulaklak ng kalabasa, takpan at pakuluan ng 2-3 minutes o hanggang malanta ang bulaklak ng kalabasa. Serve!
Aromatic version ng tinola: Mag-gisa ng sibuyas at bawang, ilagay ang chicken, kauluan hanggang half cooked ang chicken. Ilagay ang hiniwang sayote o papaya, pakuluan hanggang maluto ang sayote. Timplahan ng asin o patis, ilagay ang sili, malunggay leaves at tanglad. Pakuluan 2-3 minutes. Serve!
Maling-galing: I prito ang maling o ano mang meatloaf, hiwain ng maliliit na cubes, lagyan ng hiniwang camatis, white onion, patis, konting oil at dahon ng sibuyas.
Tuna at pasta, yun na!: Ilaga ang pasta ng 10 minutes, timplahan ng asin, kaunting oil, laurel at pamintang buo. Salain at itabi. Mag-gisa ng sibuyas at bawang sa butter, ilagay ang canned tuna. Ihalo ang lutong pasta. Serve! Pwedeng maglagay ng ginadgad na keso kung meron.
Pinakbet with bulaklak ng kalabasa: Iluto ang pakbet ayon sa nakagawian mo, ihalo ang bulaklak ng kalabasa sa huling step ng pagluluto. Serve! Note: Panahon ngayon ng kalabasa kayat maganda itong sangkap sa ulam bilang source ng fiber at vitamins. Remember: tanggalin ang tangkay at calix pati ang "balahibo" ng bulaklak ng kalabasa bago ihalo sa pinakbet. Ang bulaklak ng kalabasa ay nagbibigay ng extra tubig sa ulam kaya i-adjust mo ang sabaw ng pinakbet bago ilagay ang bulaklak para hindi maging parang nilaga ang iyong pinakbet.
Kare-kareng gulay: Pwedeng magluto ng kare-kare na walang karne. Perfect ito sa mga vegetarian (o sa mga walang pambili ng baboy gaya ko 😁). Magpakulo ng tubig, i blanch ang mga gulay ng separado bawat klase 3-5 minutes, gumamit ako ng talong, sitaw, okra at pechay. Ihanay sa serving plate bawat klase ng nalutong gulay. Mag-gisa ng sibuyas at bawang, tubig at ihalo ang kare-kare mix. Pwedeng maglagay ng peanut butter at gata ng niyog kung meron. Timplahan ng asin, paminta at laurel. Haluing mabuti at pakuluan. Kapag ise-serve na ang pagkain: maglagay ng kare-kare sauce sa bawat mangkok, maayos na ilagay sa ibabaw ang mga gulay na gusto mo, tulad ng nasa larawan. Note: Ang pag blanch ng gulay ay mas healthy at mas nape-preserve ang natural color nito. Samantalang ang ganitong paraan ng pag-serve ay perfect para sa mga taong pinipili lamang ang gulay na kakainin. Halimbawa, ang aking anak ay may allergy sa talong kayat may option syang piliin lamang ang okra at pechay, hindi tulad sa traditional na luto na magkakasama ang gulay. Isang paraan din ito ng mas kaakit-akit na presentasyon ng ulam kaysa nakagawian.
Malunggay pancake: I prepare ang pancake batter according sa package instruction, gumamit ako ng Maya pancake mix para sa recipe na ito, pero pwede ring gumawa from scratch. I blender ang dahon ng malunggay at ihalo sa pancake batter. Iluto. Masarap na combination ito with scrambled egg. Pwede ring maglagay ng paborito mong toppings o syrup kung meron.
Umiiling na maling: Sawa na ba ang mga bata sa paulit-ulit na pritong maling tuwing breakfast? Try mo ang version na ito: magbati ng itlog, ilagay ang hiniwang maling, i-prito. I combine sa fried rice with malunggay at kahit anong enseladang gulay na meron ka.
Nagugutom ulit ako pag nakikita ko yung picture hahaha
ReplyDeletekain na tayp!!!!! ahaha!
Delete